"Ang Makabuluhang Pangyayaring Nakapahamak ng Kapaligiran" - MACARAIG, Ahmer Ihcan E.
MAY-AKDA: Macaraig, Ahmer Ihcan E.
Sa ating pamumuhay araw-araw, nakakakita tayo ng lobo. Ang lobo ay isang isang goma na may kulay na nilalagyan ng hangin at pagkatapos ay tinatakan sa leeg. Madalas ito nagagamit ng mga bata bilang laruan. Nakikita rin natin ito bilang dekorasyon sa isang ganapan. Ang isang lobo, para sa atin, ay hindi nakakapinsala saanman, pero ano kaya ang pwedeng mangyari kapag marami ito? Sa usapang marami ay hindi isang daan, kundi labis ng milyon. Ito ang nangyari sa ganapang "Balloonfest of 86" kung saan nagdulot ito ng masamang epekto sa ating kapaligiran.
Ang Balloonfest ay isang okasyon na nangyari noong 1986 sa Cleveland, Ohio sa Estados Unidos. Ito ay kung saan nagtipon sila ng isa't kalahating milyon na lobo na pinalipad sa langit. Ginawa ito para makakuha ng rekord sa Pandaigdigang Tala ng Guinness. Ito ay itinuturing na fundraiser para sa UNITED WAY SERVICES of Greater Cleveland. Wala silang niplano na may masamang dulot ang okasyon na ito. Hindi nila pinag-isipan ng mabuti ang epekto ng mga lobo sa kapaligiran. Pagkatapos ng pagbitaw sa mga lobo, nagkaroon ng ulan, at dahil dito, ang mga lobo ay nag liparan sa iba't ibang direksyon. Ang nangyari ay matinding polusyon sa lugar na ito
Maraming tao ang naging di komportable at galit sa panahong ito. Ang mga lobo ay lumipad papunta sa Lake Erie at nagkaroon ng water pollution. Nagkaroon din ng matinding trapiko at nagkaproblema ang airport dito. Mayroon dalawang tao na namatay dahil sa mga lobo, naguluhan ang United States Coast Guard sa mga lobo ng hinahanap nila ang dalawang ito. Ang mga organizer at ang buong bayan ay nakaharap pa sa dalawang lawsuit na nagkakahalaga ng milyon-milyong para ayusin ang pinsalang nangyari. Ang nakaisip ng okasyon na ito'y mas nalugi pa kaysa sa nakuha nilang pakinabang. ang Guinness rin ay nagsabi na hindi na nila tatanggapin ang mga pagtatangka sa isang rekord na hindi maayos sa kapaligiran tulad nito.
Sa pagpaplano ng mga okasyon tulad nito, kailangan muna natin pag-isipan ang maidudulot nito sa ating kapaligiran. Ang halimbawa dito ay ang gender reveal parties, kung saan may mga balita na nakakapinsala ito, tulad ng pagsabog sa gusali o pagsunog ng gubat. Hindi limitado sa isa, kundi iba't iba ang epekto ng mga pangyayaring ito. Ang isa sa mga dahilan sa pagkasira ng mundo ay ang sarili natin, at malapit na dumating ang panahon kung saan magkakaroon ng mga pagbabago na hindi na maibabalik dito sa ating mundo. Kaya pa natin magbago sa ating gawain, at makiisa sa pag-aayos ng mundo. Kailangan nating makonsensya at mag-ingat sa ating ginagawa na aktibidad araw-araw. Sa pagsasagawa nito, ang daigdig natin ay magkakaroon muli ng kapayapaan.
MGA SANGGUNIAN: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Balloonfest_%2786
UNANG LARAWAN: https://historybyday.com/pop-culture/the-balloon-fest-of-1986-the-day-cleveland-wished-never-happened/
IKALAWANG LARAWAN: https://www.google.com/amp/s/fox8.com/news/balloonfest-86-35-years-since-downtown-cleveland-event-turned-disastrous/amp/
Comments
Post a Comment