"Kabalintunaan ng Plastik" - CALLE, Donmoen M.

 MAY-AKDA: Calle, Donmoen S.

    Plastik, isang materyales na dapat ay pamalit lamang sa bolang pambilyar. Ang unang uri ng plastik ay nagawa noong 1869 ni John Wesley Hyatt. Ito ay orihinal na pamalit sa materyales na garing ng elepante na ginagamit sa paggawa ng bola na pambilyar. Ang naging inspirasyon ni John Wesley ay ang offer ng “New York Firm” na sampung libong dolyar o katumbas sa mahigit limang daang libong piso sa kung sino man ang makakapag imbento ng pamalit sa materyales na garing ng elepante. Ito ay dahil sa pagsikat pa lalo ng larong bilyar na nagdudulot ng paglala sa pagpatay ng mga elepante. Ito ay rebolusyonaryo para sa mga tao dahil sa unang pagkakataon ay nakakagawa na ang mga tao ng bagong materyales sa kabila ng paglilimita ng kalikasan. Ang pagbabagong ito ay pinuri na tagaligtas ng mga elepante at pagong, at sinabing proprotektahan ng plastik ang mundo sa mapanirang kamay ng tao.

    Ngayon, makikita na natin ang plastik na nangungunang kalaban ng kalikasan. Ang plastik ay gawa sa “non-renewable” o hindi nabubulok na bagay. Kaya naman, ito ang nagiging dahilan ng napakaraming basura sa dagat at iba’t ibang panig ng mundo. Isa ring dahilan ay napakagaan nito kaya naman malayo ang nararating dahil sa hangin at tubig. Dahil sa dami ng plastik sa ating kalikasan ay nagdudulot ito ng hindi mabilang na mga problema. Isa sa mga problema na dinudulot nito ay ang polusyon sa tubig at lupa. Bukod dito napag-kakamalang pagkain din ito ng mga ibon, isda, at mga hayop. Libo libo ang namamatay na hayop sa pagkain ng plastik. 

    Ang ating suliranin at problema sa plastik ay madali lang sanang maiibsan kung ang lahat ay magkakaroon ng disiplina. Maraming solusyon o paraan ang ating maaring gawin upang mabawasan ang ating problema sa plastik. Una, maaari tayong gumamit ng bag na tela tuwing tayo ay mamamalengke. Pangalawa, sa tuwing kailangan naman ang pagbili o pag gamit ng bag ay piliin ang paper bag kaysa sa plastic bag. Panghuli, magdala ng baunan sa trabaho at kung bibili ng pagkain sa restaurant o karinderya. Ganoon din ay palagi nating iwasan ang pagtatapon nito basta basta sa kapaligiran. Sa kasalukuyan ay madami ding mga pag aaral ang isinasagawa upang hanapan ng solusyon ang plastik. Ilan dito ay ang pag aaral sa mga “plastic eating bacteria or worms” at pag hahanap ng ibang materyales na papalit sa plastik.

    Ang plastik ay totoong nagdudulot ng iba’t ibang problema. Marami ang mga posibleng solusyon na maaaring isagawa o gamitin. Subalit, kahit na ang mga problemang ito ay mapapadali sanang maibsan sa pagtutulungan ng bawat isa, hindi ito maganap dahil sa kakulangan ng kaalaman ng ating mga mamamayan. Tapon dito, tapon doon, kay sakit makakita ng bayan na walang disiplina at walang pake sa kalikasan. Ang plastik na siyang ginawa tulong sa kalikasan, tinaguriang tagapagligtas ng mga nilalang. Ang siya ngayong nangungunang kalaban ng kalikasan. Ang kabalintunaan ng plastik.


MGA SANGGUNIAN: 

https://www.sciencehistory.org/the-history-and-future-of-plastics?fbclid=IwAR3uWbOmIdfuJdnAJtBp9bJE4Jg2UaSb8KEXbbM2_FEWEhTvseTm9Ds8eWU

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/mgaopinyon/2022/04/05/2172338/mga-epekto-sa-paggamit-ng-plastic-bag-/amp/

https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/mgaopinyon/2022/04/05/2172338/mga-epekto-sa-paggamit-ng-plastic-bag-/amp/

Comments

Popular posts from this blog

"Yaman ng Pilipinas" - TARRAY, Keira Shanelle M.