Posts

"Mundong Gunaw" - RIVERA, Kristin Paula D.

Image
  MAY-AKDA: Rivera, Kristin Paula D.      Ang mundo ay isang napakagandang paraiso. Mistulang perpektong lupain na mayroong matatayog at mabeberdeng mga puno, paligid ay makulay mula sa kumpol ng mga bulaklak sa halamanan, at mga hayop na malayang nakapaglalakbay sa kapaligiran. Sariwang hangin ang iyong malalanghap. Saan ka man pumunta ay maaamoy mo ang aroma ng mga sampaguita at ilang-ilang. Buong paligid ay napakagandang tanawin, hindi nakakasawang bigyan ng tingin. Ngunit ito ay noon pa. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nagbago ang sansinukob. Naubos ang mga puno sa mga kagubatan. Bilang na lamang ang makukulay na bulaklak sa mga daanan. Ang mga hayop ay nawawalan ng tirahan. Usok na ang malalanghap sa mga lansangan.      Anong nangyari sa ating kalikasan? Tila sa paglago ng ating kaalaman, sa paggamit naman natin nito sa maling paraan. Masyado tayong nakapokus sa mga bagay na hindi ganun kahalaga, sa puntong nakakaligtaam na natin ang mga bagay na dapat mas binibigyan ng impo

"Ang Makabuluhang Pangyayaring Nakapahamak ng Kapaligiran" - MACARAIG, Ahmer Ihcan E.

Image
  MAY-AKDA: Macaraig, Ahmer Ihcan E.      Sa ating pamumuhay araw-araw, nakakakita tayo ng lobo. Ang lobo ay isang isang goma na may kulay na nilalagyan ng hangin at pagkatapos ay tinatakan sa leeg. Madalas ito nagagamit ng mga bata bilang laruan. Nakikita rin natin ito bilang dekorasyon sa isang ganapan. Ang isang lobo, para sa atin, ay hindi nakakapinsala saanman, pero ano kaya ang pwedeng mangyari kapag marami ito? Sa usapang marami ay hindi isang daan, kundi labis ng milyon. Ito ang nangyari sa ganapang "Balloonfest of 86" kung saan nagdulot ito ng masamang epekto sa ating kapaligiran.      Ang Balloonfest ay isang okasyon na nangyari noong 1986 sa Cleveland, Ohio sa Estados Unidos. Ito ay kung saan nagtipon sila ng isa't kalahating milyon na lobo na pinalipad sa langit. Ginawa ito para makakuha ng rekord sa Pandaigdigang Tala ng Guinness. Ito ay itinuturing na fundraiser para sa UNITED WAY SERVICES of Greater Cleveland. Wala silang niplano na may masamang dulot ang o

"Yaman ng Pilipinas" - TARRAY, Keira Shanelle M.

Image
 MAY-AKDA: Tarray, Keira Shanelle M.      Alam naman natin na isa ang ating bansa sa masasaganang pinagkukunan ng mga likas na yaman kung kaya't hindi maikakailang isa tayo sa mga kilalang bansa na mayaman dito. Maraming mga dayuhan ang pumupunta upang makita at mahawakan ang mga ito, makakuha ng magagandang mga litrato, at mamangha sa karikitan ng pagkakalikha nito. Mayroon tayong yamang lupa - ilan sa mga ito ay ang palay, buko, tubo/sugar cane, mais, chromite, durian at iba pang mga prutas at gulay. Mayroon din namang mga yamang tubig gaya ng mga isda, kabibe, corals, at mga magagandang perlas. Di rin papahuli ang mga yamang mineral na nahahati sa dalawang kategorya - ang metal at di-metal. At syempre, 'wag nating kalimutan ang mga yamang gubat na binubuo ng mga iba't-ibang uri ng punò gaya ng Narra, Apitong, Bakawan, Molave, Tangile, Yakal, at marami pang iba. Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lamang sa mga likas na yamang matatagpuan lamang sa ating bansa.      Ngunit

"Kabalintunaan ng Plastik" - CALLE, Donmoen M.

  MAY-AKDA: Calle, Donmoen S.      Plastik, isang materyales na dapat ay pamalit lamang sa bolang pambilyar. Ang unang uri ng plastik ay nagawa noong 1869 ni John Wesley Hyatt. Ito ay orihinal na pamalit sa materyales na garing ng elepante na ginagamit sa paggawa ng bola na pambilyar. Ang naging inspirasyon ni John Wesley ay ang offer ng “New York Firm” na sampung libong dolyar o katumbas sa mahigit limang daang libong piso sa kung sino man ang makakapag imbento ng pamalit sa materyales na garing ng elepante. Ito ay dahil sa pagsikat pa lalo ng larong bilyar na nagdudulot ng paglala sa pagpatay ng mga elepante. Ito ay rebolusyonaryo para sa mga tao dahil sa unang pagkakataon ay nakakagawa na ang mga tao ng bagong materyales sa kabila ng paglilimita ng kalikasan. Ang pagbabagong ito ay pinuri na tagaligtas ng mga elepante at pagong, at sinabing proprotektahan ng plastik ang mundo sa mapanirang kamay ng tao.      Ngayon, makikita na natin ang plastik na nangungunang kalaban ng kali

"Ilegal na Pagmimina ng Lupa, Nagpapakita na ang Tao’y Sugapa" - DELAS ALAS, Kloe D.

Image
 MAY-AKDA: Delas Alas, Kloe D.      Katubigan, kalupaan, iyan ang ating kayamanan. Ngunit tila sa paglipas ng panahon siya ang ating nagiging kasiraan. Sa tuwing babanggitin ang katagang “kalikasan,” hindi na luntian at maaraw na umaga ang pumapasok sa ating isipan. Kundi napapalitan ito ng kalbo, mausok at delikadong kapaligiran. Walang makapagsabi kung kailangan nagsimula ang pakasira ng ating kalikasan. Ngunit hahayaan na lamang ba natin na tuluyang mawala ang yamang ipinagkaloob ng Diyos sa ating bayan? Kulang nga ba ang disiplina ng mamamayang Pilipino kaya ipinapapasawalang bahala ang mga nangyayaring kaganapan?       Ang Pilipinas ay tinagurian bilang “Pearl of the Orient Seas.” Hindi naman bago sa pandinig na ang bansang ating kinagisnan ay kilala sa ganitong katawagan, kung saan kumakatawan sa isang paraiso sa Timog-Silangang Asya. Tila sa bawat oras na pumapatak, ang kinikilalang paraiso ay hindi na masilayan. Maraming dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang ating

"Pagbabago-bago ng Klima, Sa Atin ay Nakapipinsala" - CAPISTRANO, Zaina Venice R.

Image
      MAY-AKDA - Capistrano, Zaina Venice R.       Marahil, kagaya ko, ay nagtataka ka rin kung bakit nga ba sobrang init parin sa Pilipinas gayong malapit na sumapit ang kapaskuhan. Sa halip na malamig na hangin ang dumapo sa ating mga balat, ang nararanasan natin ngayon ay ang nakakapasong sinag at init ng araw. Maraming puwedeng maging paliwanag dito. Maaaring dahil ito sa katotohanang isang bansang tropikal ang Pilipinas. Pwede rin naman nating masabi na ito ay dahil sa heograpiya ng bansa. Ngunit, ang isa sa may pinakamalaking kontribusyon sa pagtaas ng temperatura ay ang climate change. Sa blog na ito ay aking ibabahagi sa inyo ang kahulugan ng climate change. Atin ding bibigyang-pansin ang mga masasamang epekto nito sa ating kapaligiran, pati na rin sa ating mga tao, at ang mga maaari nating gawin upang maibsan ang mga ito.       Una, atin munang alamin kung ano nga ba ang climate change. Hindi na ito bago sa ating pandinig sapagkat matagal na itong suliranin ng mar